Strings of love
the strings that won't broken
Webmisstress
don't you wanna know more?
Name : Red Velvet
From : Earth,
Likes : Anything that similar with teddy bear
Dislikes : insects
Location : anywhere everywhere in the part of THE WORLD
Motto : blablabla.
Description : describe your self.Tumblr Facebook Twitter Blogger Blogskins Afflifiates
Wanna be My friends?
my friends my friends my friends my friends
my friends my friends my friends my friends
my friends my friends my friends my friends
my friends my friends my friends my friends
Credits
Respect me then,
template : Red.Velvet
pattern : justinnyurr and colourlovers
tutorial : tutorialzine
Miscelannious
loving random thingy
you can put Freebie or tutorial here. it's up to you guys.
-
PNU interview
Saturday, February 11, 20064:22 AM 0 Comment(s)

**Message of the Day**Hindi lang pala si Patty at Ikay ang pa starstruck ang dating..**Song of the Day**Leaving You
hayy.. kakauwi ko lang galing sa PNU kasi interview kanina ng 1-5. Gusto ko lang sana ikwento
ang pangyayaring ito. ang aking unang sabak sa college life. dumating kami sa PNU mga 12 eh since 1 pa naman ang interview kumain muna kasi sa pinakamalapit na kainan na pwede naming puntahan (aside from the carinderias around), sa Wendy's. Grabeh sa sobrang tindi ng nerves ko nun napakain ako ng husto. Biro mo nagorder kami ng boom 3 tapos may rice pa ako and then salad. In fairness di naman naubos pero "takaw tingin" talaga ako. so after nun pumunta na kami PNU. Hindi pwede pumasok yung parents or whoever na kasama mo kaya ako lang mag-isa ang naligaw sa loob. Maliit lang naman ung school pero hindi ako magaling as directions kaya siguro nawala ako. Nung makita ko ung canteen and chapel na sinabi nung guard na hanapin ko medyo lumuwag na feelings ko and then BABOOM nakita ko ang napakahabang pila ng interview. Sh***t. Lumapit ako dun sa girl na nakablack na mukhang radical ang dating and tinanong ko kung para san yung pila (pa innocent effect). sinabi nia naman na para sa interview so pumila na ako sa likod niya. Buti na lang kahit na nakatayo kami hindi naman masyadong mainit. Pero may lumapit na
guard and sinabi na sa labas daw ang pila, dun sa mga may chairs. hayy, kala ko tatayo ako ng 10 years dun sa loob. Mas malamig pa sa labas. Dun kami naghintay and binigyan kami ng number para malaman kung
pang ilan kami. Pang 40 nga ako eh.. ang tagal. may fill up muna kami na form. And while naghihintay ako may mga nakausap ako na mga girls chorva. Sina kristy, rapunzel and joanne.
Yung isa di k natanong yung name, di naman cia mukhang willing mag sabi ng name nia e. ahehe. anyway, naguusap kami tungkol sa mga life life. Si kristy daw nag stop ng 1 year kasi nag short sila sa budget. Nagtatrabaho na daw cia sa jollibee dun sa kanila, sa Laguna. ang layo grabeh, 2 hours byahe araw araw (zzzzzz....) yung isa naman si rapunzel 2 years na nagstop kasi nung maghiwalay daw parents niya eh nag rebelde effectus cia and hindi cia pumasok. tapos naisip ko na lang.. 2 years.. 1 year.. hindi papasok.. parang hindi ko carry. and dun ko na realize
kung gano kahirap life ngaun. i thought, since napapalibutan ako ng mayayaman kong
classmates sa quesci (ako poor), eh hindi naman ako maapektuhan masyado. And then
suddenly i met someone na talagang nasa ganung kapalaran. sabi pa ni rap, pag tinatanong daw
cia sa dad nia sinasabi na lng nia na patay na. Not that may grudge cia or something sa dad nia
pero to avoid further questions flat na "dead" na lang. Habang naguusap kami nanonood pa ako
nung mga students ng PNU na nagpapraktis ng sabayang bigkas. And i was surprised when i
heard the piece. "lumuha ka aking bayan, buong lungkot mong iluha..." /omg ang walang
kamatayang "Kung Tuyo na Luha mo Aking Bayan" mula sa masalimuot n
a panulat ni Amadoooo
Veee Hernandez! gusto ko na sana clang turuan eh (kapal eh no)
so anyway, after nun.. nasa interview na ako. Natapat pa ako dun sa babaeng mukhang strikta.
Binanatan ba naman ako ng english pag dating ko! Cge, mag monologue na kaming dalawa. The
usual questions.."why do you want to be a teacher..?" "why do you want to study here in PNU..?"
"if you have the opportunity, would you go abroad..?" then biglang..."tingin mo, carla, ano ang
dahilan ng paghihirap ng pilipinas?" "kung ang tao ay walang pinagaralan at walang marating sa
buhay.. sino na ang dapat niang sisihin..?" then english na naman. "what will you do when some
people here in PNU cannot cope up with your level of thinking?" "why do you want to teach in
elem instead of HS or college?" at kung ano ano pang mga tanong na kakabaliw. Nawating wating
talaga ako kaya feeling ko napaikot ikot ko lang yung mga sagot ko. deads...
after nun eh yung medical na. pumunta ako dun sa med clinic nila. Una nagpa check ng teeth.
sabi nila ipa jacket ko na daw yung pasta ko eh.. balak ko naman tlaga eh so no problem. then
dun naman sa xray. gosh, pinaghubad kami.. well, yung upper part lng naman ang nakahubad
tapos pinasuot lng sa min yung green thingy na cloth. tpos xray na. nakakabigla nga ehh,
tinanong sa kin kung kelan daw ako huling nagkaroon.. sabi ko.. hmm. di ko maalala.. kaya sinab
ko na lang jan2. sabi nia "hindi ka pa nagkakaroon ngaung feb?" sabi ko hindi, pero alam kong
nagkaroon na ako.. nung day na iniwan ko pa si nat nun kasi sobrang sakit ng puson ko. tapos
sabi nia.. "buntis ka no? Bawal buntis d2, iha..." WAAA. narattle ako dun. sabi ko "hindi po noh!
stress lng yan kaya na delay" then nag xray na talaga.
after nun ung mga basi
c checkups na lng. ung weight, height, blood pressure, pulso pulso thingy,
eyesight, health history chorva.. grabeh 4'11" lang ako 4'11" lang ako!?!?!?!? imposible! joke. pero
madami kaming ganun height. feel na feel eh no. then while waiting for the last examination
nakipag kwentuhan na naman ako. this time kina carmina, pauleen and then yung girl na
kamukha ni valen pero nakalimutan ko name. tungkol sa mga courses namin un. lahat pala kami
kumuha ng upcat din. si girl na kamukha ni valen psychology daw cia..then ung 2 major in english
naman. ako lng pla yung nag elem edu.. yes, martir eh noh.. tapos nagusap usap kami sa mga
artista chorvaness and then pati sa harry potter and then ung book na all american girl ni meg
cabot. waa ang saya talaga. tawa kami ng tawa. tinitignan namin yung boys kasi 5 lng cla!
grabeh tlaga.. ang konti lng nila.. sabi pa namin.."bading yan, for sure.." ahehe... then nung ako
na pasok ako sa room and last words from the head doctor nila.. then babush na!.. hayy mga 5
na nun.. kya umalis na rin ako and kumain na naman kami. grabeh katakawan eh no.
nagsimba na rin kami sa quiapo nun kasi malapit naman na eh. then umuwi na kami. at heto ako
ngaun. tinatamad na akong magtype kya tatapusin ko na muna d2.. wakeke.. cge babush na
muna. kakain na eh.,
Newer »
My Profession
Thursday, February 09, 20063:39 AM 0 Comment(s)
**Message of the Day**
Mas masarap ang chicken skin malapit sa sakayan ng NIA kesa sa chicken skin sa tapat ng school
**Song of The Day**
The Journey
I often ask myself kung gusto ko ba talagang mag teacher talaga. I know na mahirap yung profession na yun and sure akong hindi naman ako yayaman or whatsoever sa gagawin ko. pero yun talaga ang gusto ko and alam kong gawin. Hindi naman ako magaling sa ibang bagay so i think i'm more suited sa pinili kong to. however, as time drags on, i'm starting to have doubts. Yes of course we have the saying na "fight for your dre
am" pero kung titignan din natin in a more practical view, if i want to have a very good life and kung gusto ko talagang ma suportahan mga luho ko (not that i'm saying maluho talaga ako) i have to choose a job an kaya akong suportahan. According sa mga naririnig ko hindi tlaga ako makakakuha ng mga bagay ng talagang gusto ko once na magteacher ako. Unless i go to some real expensive school or go abroad. I'm trying to tell myself na hindi na mahalaga muna yang mga yan and gawin mo muna yung gusto mo. Pero pano kung pumalpak ako? (Yeah right i'm showing real confidence sa sarili ko nito a) I think marami rin akong mapeperwisyo sa min once na hindi mag work out yung job ko and when i need to ask for help na. In our situation ngayon, kadalasan kaylangan na rin e give up ang dreams mo for a while and try to think rational kung mabubuhay ka ba sa gagawin mo. It's the survival of the fittest. Kahit hindi cia magandang pakinggan, it's the truth. But for now i guess i will just continue kung ano yung pinili ko. I just have to make the best out of it at the same time enjoy myself while doing it. In fairness din naman hindi lahat ng teachers e naghirap. Somehow, some of them found contentment in the field na masasabi nilang okay talaga. anyway, hayy.. bahala na nga rin...
Newer »
Sunday Horror
Wednesday, February 08, 20063:19 AM 0 Comment(s)

**Message of the day**
Piliin ang mga taong tatabihan kung ayaw mong layuan ka ng crush mo
**Song of the day**
Bakit Ngayon ka Lang
Ngayon lang ulit ako nakaupdate after ten years na naman. It's like napaka hectic ng sked ko and hindi ako makapagpost. Actually madami na rin akong nagawang entries pero parang they're not good enough para ipakita sa mundo. just like this one. Another one of my "crap" things, as usual. anyway, back to the main subject why i decided to write this.. last Sunday nagsimba kami sa Mt. Carmel Church sa P6 nung mga 6 pm. Ako lang tsaka sis ko and hindi kasama mama ko kasi masakit daw ulo niya kaya solo flight na naman kaming magkapatid. Parang ang daming tao pa nung araw na yun sa simbahan siguro dun lang nila nalaman na nagmimisa din sa 6pm yung bagong parish priest. So dumagsa na silang lahat nung gabing yun. eh, ako naman tinamaan ng katamaran na mkipagsiksikan sa loob nung papasok na so we've decided na mag stay na lang sa labas ng church, dun sa mga upuan sa labas and doon na lang magstay tutal maririnig din naman naming yung misa kasi may mga speakers sa labas ang hindi naman malayo yung altar. So, pumayag naman sister ko and yun yung first time namin ever na magmisa sa labas mismo ng simbahan. naguilty talaga ako kasi hindi naman kami nagsisimba sa labas pero wla na rin naman akong magagawa since nag start na yung misa. Then sa tabi ko (sa right) sister ko then sa left some unknown guy (nakared cia, with thick hair and beard, real haggard talaga ang dating). I was feeling cozy na sa kinauupuan ko kasi ang lamig pala sa labas and okay lang naman (maliban sa mga maiingay na batang nagtatakbuhan). Then suddenly out of nowhere, prang nag burst lang sa lupa, dumating siya.. /OMG. [insert song "bakit ngayon ka lang"] I nearly dropped dead when i saw him. Nkita rin niya ako pero sana hindi niya napansin ang aking "glittering with desire look" ((YUCKIIIEEE)) joke lang un. Anyway, hindi naman talaga kapnsin pansin yung eh, who am i anyway? Just some random churchgoer na lagi niang nakikita. WELL..NO BIG DEAL (bleeding heart) So, kasama pala nia ang buo niyang pamilya (mother, father, older brother and two younger sisters) magkakamukha talaga silang lahat. So, cia nakasuot cia ng blue shirt na may collar and white strips sa taas, naka sandals na yellow and maong. Ang tangkad niya sobraaa.. as in nawawalis na niya yung ceiling ng simbahan (joke). he was walking down the aisle tlaga towards us and i thought, for a very brief moment, that he'll take my hand and we'll dance together against the light that spatters heaven above, with the smells of flowers that blooms in springtime. And na dump ang buo kong pangarap sa mukha ko ng maupo cia sa tabi nung guy na nakared. HAA..sana na lang wala yung malaking obstacle sa tabi namin. so near, yet so far... Unlike nung lagi ko siyang natitignan nung nagsasakristan na cia, hindi ko man lamang cia ma take na tignan kasi feeling ko pag tumingin ako makikita niya akong tumitingin (feeling naman cia eh no). pero kahit na! I definitely don't trust my facial expression that time. feeling ko ibi-betray ako ng mukha kong to e.. what a hopeless life talaga. So i stayed like that the whole time. Listening intently on the sermon and at the same time dying to look around and get a glimpse of him. though i swear hindi ko tlaga binalak yun. i felt guilty talaga by then because of thousands of things na umadar sa utak ko ng biglaan. /e5... ano ba to.. Then suddenly nang humangin bigla akong napatigil. isang kakaibang amoy ang nasagap ng olfactory nerves ko. That's when i looked around, grateful na sa iba cia nakatingin, and my eyes fell on the guy-in-red beside me. Bingo. Tumingin ako sa kapatid ko "Sister.." sabi ko lumalaki mata ko. Tumingin din cia sa kin then sa red guy. "Siya ba yung... yung...?" I nodded. Yes, he's the guy with the "weird" smell and all that. And i definitely know na alam din nia (yung guy in blue) na yung guy-in-red ang nagpapalaganap ng masamang balita. That's when i asked my sister kung pwede palit kami ng upuan. well, asa naman ako d ba!??! so, i moved away na lang ng konti so as not to offend the guy-in-red. Then yung guy-in-blue tumayo na rin sa wakas after nung homily and lumipat sa dulo. doon nagwakas ang panaginip ko and nagising na rin ako. All through out ng misa wala na talaga akong naisip maliban dun sa pagsimba. Once again, before that guy in blue came shattering my freakin' peaceful like, naalala ko na nasa simbahan ako and kung ano ang purpose ko kung bakit ako nandun. Nagdasal ako without thinking of anything else. i asked for forgiveness for my weakness on such "tukso" things around. Then after nung misa umalis na kami as if nothing mattered. as if wala kaming nakitang ibang tao. I don't know what happened. parang feeling ko nagaarte na naman ako and nawating wating. ewan ko.. ang weird tlaga. i half expected to dream about that encounter but thank goodness hindi ko cia napanaginipan. It's as if i am praying silently to throw the image away. Nakakainis lang din kasi parang ang napapakita ko e "it's something of outmost importance" pero wla naman tlaga. Nakakainis. Ang weird no? but one thing for sure, i definitely felt numb after that.
Newer »
after ten bloody years (16, in fact)
Saturday, February 04, 20068:57 PM 0 Comment(s)

yey.. naayos ko rin sa wakas blog ko after ten years (16 in fact) of thinking kung ano ba mas mangandang gawin.. kung itutuloy ko ba yung pagpapalevel up ng pari ko dahil napagiiwanan na ako ng panahon o aayusin ko tong blog ko. well, thank goodness na rin at nawalan ako ng load sa ragna para naman matignan ko ito. wa. milleca, salamat nga pala sa tulong mo.. wala talagang blog sa bundok kaya naman hindi ako marunong mag ayos.. wahahaha. ang hirap mag hanap ng skin.. parang ang daming maganda ang marami ring pangit. feeling ko tuloy every week ako magpapalit para tignan kung anong maganda. ahehe. may nakita akong magandang skin na CCS kaya lang ang pangit nung format. wala lng.. di ko lang siya feel. gusto ko sana dark na blog, unlike nung unang ginawa ko na silver and white (color blind ata ako) di lang ako sure pero parang na-bleach yung color niya.. napaka angelic ng dating (completely opposite ko) and everything. besides wala pa siyang maayos na navigation. As in magsasawa ka sa kakatingin sa iisang place lang.. wahaha.. sama eh noh.. nilait pa yung skin samantalang hindi ako marunong gumawa ng sarili ko. hahahaha. may nakita rin akong full house pero medyo outdated na siya kaya hindi rin pwede. meron naman ding ung sa movie na geisha but i'm sure in a few weeks wala na rin yun. kaya ang hirap maghanap. gusto ko rin sana horror pero.. wahaha.. wala akong makitang nakakatakot na as in. gusto ko creepy or something. maganda rin sana kung fantasy ang dating.. waa. nakakainis wala akong maisip.
Newer »